nasabat

P28.92-M halaga ng misdeclared goods, nasabat ng BOC

Metro News

Nagkakahalaga ng 28.92 milyong piso ang nasabat na smuggled goods ng Bureau of Customs (BOC) sa dalawang major seaports sa Maynila.

Sinabi ni Commissioner Isidro Lapeña, ang tatlong shipment na nahulihan ng misdeclared goods ay ang c.

Nagmula sa Korea at China ang mga kargamento na dumating sa Manila International Container Port (MICP).

Nabatid na idineklara ng I-Genex ang laman ng kargamento na personal effects at household goods.

Pero sa pagsusuri ay naglalaman ito ng used personal items na nakahalo sa mga kahon na ang laman ay beauty products at walang permit mula sa Food and Drugs Administration (FDA).

Mag-iisyu si District Collector lawyer Vener Baquiran ng Warrant of Seizure and Detention habang mare-revoke naman ang akreditasyon ng nga importer.

 

Ulat ni: Cresilyn Catarong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *