8 sundalo, sugatan sa engkwentro ng militar at Abu Sayyaf

Regional

Sugatan ang nasa walong sundalo sa naganap na engkwentro laban sa teroristang Abu Sayyaf  sa Sulu.

Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander Brigadier General Divino Rey Pabayo, nasugatan ang mga sundalo matapos sumabog ang improvised explosive device (IED) habang nagsasagawa na ng clearing operation ang militar.

Ito ay matapos ang kalahating oras na bakbakan sa bulubunduking bahagi ng Barangay Bangkal, Patikul, Sulu.

Pagtiyak ng opisyal na marami ding mga casualty sa panig ng mga bandido dahil sa mga bakas ng dugo na nakita sa encounter site.

Hindi pa matukoy ng Joint Task Force Sulu kung ilan ang nasugatan at napatay sa miyembro ng Abu Sayyaf.

Patuloy ang pursuit operation ng militar laban sa mga nakatakas na Abu Sayyaf.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *