Andi Eigenmann

Andi Eigenmann, nagdiwang ng kaarawan na wala ang anak na si Ellie

Showbiz

Ipinagdiwang ni Andi Eigenmann ang kanyang 27th birthday ngayong araw June 25th 2018.

Ang dapat na masayang selebrasyon ni Andi ay may kaunting pagka-miss sa kanyang anak na si Ellie dahil hinayaan nito ang anak na umattend ng graduation ni Jake Ejercito.

Grumaduate si Jake sa kaniyang masters degree in Marketing sa Northumbria University sa Singapore kahapon, June 24.

Ibinahagi ng ina ni Andi na si Jaclyn Jose ang kanyang paghanga sa anak dahil sa naging desisyon nito.

Ayon sa Instagram post ni Jaclyn, sinabi nito na unang beses ni Andi na mag-celebrate ng kanyang birthday na wala ang anak na si Ellie.

Idinagdag pa ni Jaclyn na proud siya kay andi sa pagiging mature nito sa pagpayag kay Ellie na dumalo sa special moment ni Jake.

Pinaalalahanan naman ni Jaclyn si Andi na mag-ingat sa beach ng mag-upload si Andi sa kaniyang Instagram Story na nagpapakitang siya ay nasa North Luzon Expressway.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *