training

ASEAN Drug Prevention Training, umarangkada

Metro News

Nagpasimula na ang 5-day training ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para pag-aralan ang Universal Prevention Curriculum (UPC) na isinagawa sa Dusit Thani Hotel sa Makati City.

Layon ng limang araw na pagsasanay ang madetermina ang mga pamamaraan upang maagapan ang pagamit ng iligal na droga sa bawat miyembrong bansa ng ASEAN.

Bilang host ng training, naniniwala si Dangerous Drugs Board Assistant Secretary maria Belen Matibag na importanteng matukoy ang mga preventive actions na maaaring magawa ng bawat ASEAN countries para labanan ang pagkalat ng iligal na droga sa bawat bansa.

Layon ng pagsasanay na makamit ang mga epektibong pamamaraan sa ilalim ng “Drug Abuse Prevention Programs” sa pamamagitan ng open forum at skills training.

Dumalo sa naturang pagtitipon ang mga kinatawan ng Thailand, Vietnam, Indonesia, Malaysia, Myanmar, Brunei at Pilipinas.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *