FIBA World Cup Asian Qualifier

Gilas nasa Taiwan para sa FIBA World Cup Asian Qualifier

Sports

Tumulak na pa Taipei, Taiwan ang Gilas Philippine National Team, upang makalaro ang Chinese-Taipei para sa third window ng FIBA World Cup Asian Qualifier ngayong Biyernes, June 29.

Ang Gilas Team ay pinangunahan ng mga beteranong sina Gabe Norwood, Jayson Castro, Japeth Aguilar at June Mar Fajardo.

Kukumpleto sa koponan ng Philippine Team sina Terrence Romeo, Roger Pogoy, Troy Rosario, Baser Amer, Jiovani Jalalon, Allein Maliksi, Carl Bryan Cruz, Calvin Abueva at Matthew Wright.

Kasama sa 15 man lin-up ang naturalized Filipino Center Andray Blatche at Gilas Pilipinas Cadet Troy Rike.

Susubukan ng Gilas na maulit ang kanilang pagkapanalo noong Nobyembre sa Chinese-Taiwan na nagtapos sa iskor na 90-83.

Mayroon 3-1 win-loss na record ang Gilas Group B na sigurado na ang pagpasok sa 2nd round ng Asian Qualifier.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *