Imee Marcos

Gov. Imee Marcos, kinondena ang mga kritiko sa Anti-Tambay ng PNP

National News

Walang pagtutol si Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa ipinapatupad na Anti-Tambay Operation ng Philippine National Police sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nang tanungin kung pabor siya sa operasyon, ayon sa gobernadora, ”Yes in accordance with the law.”

Dagdag pa nito, wala siyang nakikitang masama sa nasabing operasyon.

Hindi lahat ng tambay ay inosente kung kaya’t walang problema kung pagbawalan ang mga ito na magtambay.

Ito ay bilang babala sa mga posibilidad na may mangyaring ‘di kanais-nais sa daan lalo na sa dis-oras ng gabi.

Hindi naman sinabi na aarestuhin, aalamin lang kung bakit sila nagtatambay.”

Umaasa ang gobernadora na sa pamamagitan ng Anti-Tambay ay mawawala ang pangamba ng publiko sa mga krimen na nangyayari sa lansangan at kampanteng magagawa ng mamamayan ang kanilang gusto dahil sa ligtas na paligid.

Samantala, mariing tinutulan ni Marcos ang paghahambing ng iba sa kanyang namayapang ama na si Pangulong Ferdinand Marcos sa kasalukuyang administrasyon kaugnay sa umano’y umiiral na Martial Law sa bansa.

Naging panauhing pandangal si Marcos sa awarding ng PNP Civil Disturbance Management Operation contest na ginanap sa Kampo Krame kung saan hinirang na kampeon ang tanggapan ng Quezon City Police District.

 

DZARNews

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *