tauhan

Ilang tauhan ng QCPD-5, sinibak

Metro News

Sinibak sa puwesto ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief General Guillermo Eleazar ang mga opisyal at ilang tauhan sa Quezon City Police District (QCPD) Station 5.

Ito ay matapos utusan ng mga pulis ang mga nahuli nilang tambay na maglinis ng comfort room o palikuran.

Tumanggi si Eleazar na pangalanan ang nasabing opisyal at mga tauhan nito na sangkot sa nasabing insidente.

Hindi rin pinangalanan ng heneral ang nahuling tambay na pinaglinis ng palikuran.

Muling pinaalalahanan ni Eleazar ang mga pulis na gawin lamang kung ano ang nasa kanilang mandato para hindi lumabag sa karapatang pantao ng kanilang mga hinuhuli.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *