Manila Subway Project

Manila Subway Project, sisimulan na

Metro News

Sisimulan na ngayong taon ang Mega Manila Subway Project na target matapos bago bumaba sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar dalawa o hanggang tatlong istasyon ang inaasahang magiging operational na.

Sinabi din ni Andanar na mararamdaman ng publiko ang partial inter-operatibility ng nabanggit na proyekto na tiyak aniyang makakapag-bigay ng kaluwagan sa daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA.

Dagdag nito na posibleng mapakinabangan ng mga mananakay ang pabiyaheng west area ng Quezon City hanggang Monumento bago ang 2022.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *