barbers

Mga kongresistang sangkot sa droga, sisibakin-Barbers

National News

Nagbabala si House Committeee on Dangerous Drugs Chairman at Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers sa mga kongresista na tatanggalin sa liderato ng Kamara kapag mapatunayang sangkot sa iligal na droga.

Kasunod ito ng napaulat na ilang kongresista ang kabilang sa “narco list” ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Barbers, sa sandaling maberipika at may basehan ang ahensya na nagba-validate ng pagkakasangkot ng mga ito sa droga ay maaaring kumilos ang liderato para tanggalin sila.

Sinabi ni Barbers na dadaan pa rin sa pagdinig ng Ethics Committee ang reklamo laban sa mga miyembro ng Kamara.

Una nang ipinag-utos ni Pangulong Duterte na i-validate ng mabuti at hanapan ng matibay na ebidensiya na maaaring ikapanalo sa korte ang involvement ng mga kongresista sa iligal na droga.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *