oil price hike

Oil company, may panibagong oil price hike

Metro News

Asahan simula bukas ang panibagong pasanin para sa ating mga motorista.

Ito ay dahil sa muling magpapatupad ng panibagong oil price hike ang mga kumapanya ng langis.

Base sa kanilang anunsyo, nasa piso at labing sentimos (P1.15) ang dagdag sa presyo ng kada litro ng gasoline.

Nobenta sentimos (P.90) naman ang umento sa diesel habang nasa otsenta’y singko sentimos (P.85) naman ang itataas sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Ang naturang oil price adjustment ay bunsod pa rin ng paggalaw sa presyo nito sa pandaigdigang merkado.

Epektibo naman ang naturang dagdag-presyo, alas-sais ng umaga bukas, June 26.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *