Maute-ISIS commander

P6-M, pabuya para sa pag-aresto sa Maute-ISIS commander

Regional

Nag-alok ng anim na milyong pisong (P6-M) pabuya ang lokal na pamahalaan ng Lanao del Sur para mapadali ang paghuli sa Maute-ISIS commander na si Owayda Benito Marohomsar alyas Abu Dar.

Umaasa ang Armed Force of the Philippines na sa pamamagitan ng reward money ay mapapadali na ang paghuli nila sa grupo ni Abu Dar na nagtatago sa mga bulubunduking bahagi ng Tubaran at Pagayawan, Lanao del Sur.

Ayon sa mga opisyal at residente ng lalawigan, natatakot sila na posibleng muling sumiklab ang digmaan sa lugar.

Aminado si Joint Task Force-Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner Jr., na mas mahirap ang ginawa nilang pursuit operation ngayon laban sa mga terorista kung ihahalintulad sa nangyari sa Marawi City siege.

Aniya, bukod sa malawak ang lugar ay kaunti lang ang kanilang kalaban.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *