roger federer

Roger Federer, doble ang pagkatalo

Sports

Doble ang dinanas na pagkatalo ng Swiss tennis star na si Roger Federer.

Ito ay matapos sorpresang talunin siya ng bente uno anyos na pambato ng Croatia na si Borna Coric sa finals ng Halle Open na ginanap sa Germany.

Pinutol ni Coric ang dalawampung sunod na panalo ni Federer sa grass court matapos makapagtala si Coric ng score na 7-6, 3-6, 6-2.

Pinatunayan ni Coric ang panalo sa top-10 player sa grass court nang unang talunin niya si Alexander Zverev.

Bukod sa pagkatao sa match, tanggal na din si Federer sa pagiging world number 1 na papalitan ni Rafael Nadal.

 

SMNINews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *