10km non-toll Laguna Lake Highway

10km non-toll Laguna Lake Highway, pinasinayaan

Metro News

Pinasinayaan ang Phase 2 ng 10km non-toll Laguna Lake Highway o kilala rin sa tawag na Circumferential Road 6 o C6.

Pero humingi pa ng isang buwang palugit ang DPWH-NCR sa publiko para sa opisyal na pagbubukas ng C6 ngayong katapusan ng July.

Ang nasabing highway ay nagdudugtong mula sa Bicutan sa Taguig hanggang sa Taytay Rizal at nasa bahagi ng Laguna de Bay.

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng nasa isang bilyong piso.

Ayon kay DPWH-NCR Director Melvin Navarro,  bahagi ng proyekto, ang pagtatayo, pagpapaluwang at pag-aaspalto ng mga tulay at kalsada.

Naglagay din ng bike lane at pedestrian sidewalk dito.

Sa sandaling makumpleto na ang nasabing proyekto at madaanan na ng mga motorista, inaasahang aabot na lang sa 20-30 minutes ang biyahe mula Bicutan hanggang Taytay, Rizal.

Inaasahan ding makababawas ito sa mabigat na daloy ng trapiko sa EDSA at C5.

Ang C6 ay bahagi ng Build, Build, Build Program ng pamahalaan.

 

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *