thailand

12 bata, nawawala sa isang yungib sa Thailand

International News

Dalawang araw ng nawawala ang labindalawang (12) kabataan kasama ng kanilang soccer coach sa loob ng yungib ng Tham Luang Nang Non sa Chiang Rai Province, Thailand.

Pinaniniwalaang na-trap dahil sa tumataas na lebel ng tubig dulot ng malakas na ulan ang mga bata na may edad onse (11) hanggang disi sais (16) sa naturang yungib nang pumasok ang mga ito noong Sabado ng hapon, June23.

Tulong-tulong ang ilang mga ahensya kabilang ang Seal diving team ng Royal Thai Navy sa paghahanap .

Ngunit nahirapan ang mga itong makapasok sa malalim na bahagi ng yungib na tinatayang nasa anim hanggang walong kilometrong haba dahil sa tumataas na lebel ng tubig na aabot sa limang metro.

Gabi ng Lunes ay pansamantalang itinigil muna ng mga opisyal ang paghahanap sa mga manlalaro.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *