cayetano

Cayetano at Pompeo, nagpulong

National News

Nagpulong sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at US Secretary of State Mike Pompeo.

Ayon sa Philippine Embassy sa Washington, tinalakay ng dalawang opisyal ang isyu sa South China Sea.

Sinabi ni Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez na kabilang din sa napag-usapan ng dalawang kalihim ang independent foreign policy ng Administrasyong Duterte.

Kasabay nito, nagpasalamat din si Cayetano sa Estados Unidos sa suportang ibinibigay nito sa paglaban sa terorismo at sa rehabilitasyon sa Marawi City.

Nangako naman ang Amerika na magbibigay ng karagdagang 1.4 bilyong piso (P1.4-B) para sa relief, recovery at rehabilitasyon sa Marawi.

 

DZARNews

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *