plunder case

DoTr, sasampahan ng plunder case si Abaya atbp.

National News

Sasampahan ng plunder case ng Department of Transportation (DoTr) si dating Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya at ang 16 na iba pang sangkot sa maanomalyang P4.2-B MRT-3 maintenance contract nito sa Busan Universal Rail Incorporated (BURI).

Ayon kay DoTr undersecretary for Legal Affairs and Procurement Atty. Reinier Paul R. Yebra, dapat managot ang mga dating opisyal na nagpatupad ng maanomalyang kontrata base na rin sa resulta ng imbestigasyon ng Ombudsman.

Nasakripisyo ang kapakanan ng mga commuter dahil napag-alaman na ineligible” at “unqualified” o walang kakayahan ang BURI na magmantina sa MRT-3.

Una nang nagpalabas ng pahayag ang Ombudsman sa pagsasampa ng kaso laban kay Abaya ang ilang iba pa dahil sa maanomalyang kontra sa BURI.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *