ordinansa

Kampanya ng pulisya laban sa mga lumabag sa mga ordinansa, paiigtingin

National News

Mas paiigtingin pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang kampanya laban sa mga tambay na lumalabag sa mga ordinansa.

Ito ay sa kabila ng mga panawagan na ipatigil ito dahil sa hindi ito naaayon sa Saligang Batas at labag ito sa Karapatang-Pantao.

Sa memorandum ng PNP chief na may titulong “Intensified Enforcement of Laws and Local Ordinances to Prevent the Occurrence of Street Crimes,” na may petsang June 20, inaatasan nito ang mga regional directors, police regional offices, directors, at national operational support units na paigtingin ang kanilang kampanya laban sa common street crimes.

Kabilang sa mga tututukan ng kampanya ang mga lumalabag sa local city ordinance tulad ng mag-iinuman sa kalye, paggala ng walang damit pang-itaas, paninigarilyo sa pampublikong lugar, pag-videoke ng lagpas sa itinakdang oras at curfew hours sa mga minor de edad at iba pa.

Kaugnay nito, kinakailangan ng mga chiefs of police na magbigay abiso sa lokal na pamahalaan o barangay officials sa pagpapatupad ng local o city ordinances bago magsagawa ng operasyon.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *