martin delgra

LTFRB Chairman Martin Delgra, kinasuhan sa Ombudsman

Metro News

Pinasususpende ng isang transport group sa Office of the Ombudsman si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III at si LTFRB Board Member Ronaldo Corpus.

Sa inihaing reklamo ng Alliance for Concerned Transport Organizations (ACTO), sinasabing nilabag ng kalihim at ni Corpus ang Section 3(E) ng Anti-Graft and Corrupt Practices act.

Ito ay matapos na maging bias ito sa pagkakaloob ng prangkisa sa mga public utility vehicles.

Ayon kay ACTO President Efren de Luna, matapos aprubahan ang ilang aplikasyon ng certificates of public convenience ay agad itong isinara.

Kabilang sa mga tinukoy na ruta ni de Luna ang Panglao Airport patungong Tagbilaran City Pier sa Bohol, Cordova patugong Lapu-Lapu City sa Cebu, at ang Puerto Bugo patungong Waterpark Resort sa Opol, Misamis Oriental.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *