ethiopia

Pagsabog sa Ethiopia, walang Pinoy na nasaktan – DFA

National News

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipino ang kabilang sa mga nasawi o nasugatan sa nangyaring pagsabog sa isang  political rally nitong Sabado, June 23 sa bansang  Ethiopia.

Ayon sa DFA tinatayang nasa walong daan na mga miyembro ng Filipino Community ang patuloy pa rin na pinag-iingat ng embahada ng Pilipinas sa Cairo.

Matatandaang dalawa ang naiulat na nasawi habang  mahigit isandaan at limampu (150) ang sugatan sa grenade attack sa isang rally na dinaluhan ng bagong prime minister ng Ethiopia na si Abiy Ahmed.

Nangyari din ang pag-atake matapos ang talumpati ni Ahmed sa harap ng libu-libo nitong tagasuporta sa Meskel Square sa kabisera ng Ethiopia sa Addis Ababa.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *