otis

Traffic re-routing, inilabas ng MPD dahil sa pagsasara ng Otis Bridge

Metro News

Nagpalabas ng traffic advisory ang pamunuan ng Manila Police District Public Information Office (MPD-PIO) hinggil sa pagsasara ng tulay ng Otis sa Pandacan, Maynila.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo, ipatutupad simula ngayon ang re-routing sa mga motorista na dadaan sa Otis Bridge dahil magsisimula ang pagkukumpuni ng naturang tulay.

Paliwanag ni Margarejo sa lahat ng mga motorista na dadaan mula Nagtahan/Mabini Bridge (Southbound) ay maaari silang kumanan sa Paz Guanzon Street para maiwasan ang UN Avenue tuloy-tuloy sa President Quirino Avenue pagkatapos kanan patungo sa Plaza Dilao at deretso sa Pres. Quirino Avenue Extension, kaliwa patungo sa UN Avenue patungo sa kanilang destinasyon.

Kinumpirma naman ng MMDA na isasara sa loob ng isang taon ang Otis Bridge upang bigyang-daan ang pagsasaayos nito.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *