domestic flight

Domestic flight ng Cebgo, kanselado ngayong araw dahil sa masamang panahon

Metro News

Kanselado ang 2 domestic flight sa Ninoy Aquino International Airport ngayong araw kauganay pa rin sa nararanasang sama ng panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs Division Office biyaheng Manila papuntang Naga o vice versa ang mga apektado partikular na dito ang Cebgo Flight DG 6111 at Flight DH 6112.

Magugunita kahapon nasa apat ang bilang ng mga naapektuhang flight na may kinalaman pa rin sa sama ng panahon.

Pinapayuhan naman ng MIAA ang mga apektadong pasaheron na agad makipag-ugnayan sa kanilang airlines para sa refund o rebooking ng kanilang mga ticket.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *