aklan lgu

17 officials ng Aklan LGU, kinasuhan

Regional

17 opisyal ng Aklan LGU ang kinasuhan na ng Department of Interior and Local Government o DILG.

Ito ay dahil sa naging kapabayaan ng mga ito na pangalagaan ang likas na yaman ng isla ng Boracay na ngayon ay isinasailalim sa rehabilitasyon.

Ayon kay DILG Asec. Epimaco Densing, kasong administratibo at kriminal ang kanilang isinampang kaso sa mga naturang opisyal sa Office of the Ombudsman.

Kabilang sa mga sinampahan ng kaso ay sina Aklan Governor Florencio Miraflores at Provincial Environment and Natural Resources Officer (PENRO) Valentin Talabero .

Kabilang din sina Malay Mayor Ciceron Cawaling, Vice-Mayor Abram Sualog at miyembro ng Sangguniang Bayan.

Sinampahan rin ng kaso si Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Edgardo Sancho at Licensing Officer III Jen Salsona.

Kinasuhan rin ang tatlong barangay kapitan na may sakop sa isla ng Boracay.

Mga opisyal ng Aklan LGU, inaasahan na ang kasong kakaharapin

Matagal ng inaasahan ng lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan ang pagsasampa ng kaso sa mga lokal na opisyal ng probinsya dahil sa kapabayaan sa isla ng Boracay.

Ayon kay Rowen Aguirre, Executive Assistant ng Office of the Mayor sa Malay, batid nila na magsasampa ng kaso ang Department of the Interior and Local Government  (DILG) batay na rin sa mga naunang pahayag ng ahensya dahil sa mga isyu sa business sa Boracay.

Sinabi ni Aguirre na sasagutin nila sa proper forum ang naturang kaso.

Una nang sinampahan ng DILG ng kasong katiwalian at administratibo ang labing pitong opisyal ng Aklan LGU dahil sa umano’y kapabayaan sa pagbibigay ng mga business permit sa mga establisyemento sa Boracay.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *