clearing

I-ACT, nagsagawa ng intensified clearing operation

Metro News

Sa isinagawang intensified clearing operation ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT), wala ng nagawa ang mga tindahan sa paligid sa Kanlaon St., Brgy. Sta. Teresita sa Lungsod ng Quezon kundi sumunod at ligpitin ang kanilang mga paninda at mga gamit.

Ito’y matapos na makatanggap ng reklamo ang tanggapan ng I-ACT.

Clearing Operation, nararapat lang

Ayon sa kanya, maliban sa iligal ang paggamit sa side walk bilang bangketa, talamak din ang illegal parking, robbery, at bentahan ng droga sa lugar.

Maliban sa reklamo, matagal na ding sinaway ang lugar dahil sa pabalik-balik na problema sa trapiko.

Ang nasabing lugar ay kilala rin dahil sa murang bentahan ng mga  palamuting pamasko at dekorasyon sa bahay.

Ayon sa kagawad ng barangay, matagal ng sinaway ang mga establisyemento ngunit talagang matigas lang mga ulo nito.

Ayon sa I-ACT, bagamat may paglabag ginawa pa rin nila ang makataong pakiusap sa mabilisang pag aalis ng mga paninda sa lugar.

Napansin na ang mismong sidewalk kung saan nakatayo ang mga tindahan ay katabi lang mismo ng istasyon ng pulis.

Ayon sa I-ACT, naging pabaya din ang istasyon sa hindi pagpuna sa simpleng paglabag ng mga iligal vendors sa lugar.

May iilan pang mga lugar sa Quezon City ang bibisitahin ng I-ACT dahil sa mga paglabag sa batas trapiko.

Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *