pamamahagi

Pamahalaan, dapat tiyakin na tama ang pamamahagi ng bigas ng NFA

National News

Pinababantayan ni Senador Bam Aquino sa pamahalaan ang pamamahagi ng murang bigas ng National Food Authority (NFA).

Ito ay upang matiyak na sapat ang supply nito.

Kasunod ito ng pagdating sa mga pamilihan sa mga lalawigan sa Luzon at Mindanao.

Ito ang unang bahagi ng imported rice mula Thailand.

Ang nasabing bigas ay may dalawang uri na ibebenta sa 27-pesos at 32-pesos kada kilo.

Matatandaan na nagmahal ang presyo ng commercial rice ng 45-pesos hanggang 50-pesos kada kilo.

Ito ay dahil sa kakulangan ng supply ng NFA rice noong Marso ng nakaraang taon.

Samantala, muling iginiit ng Senado ang panawagan na dapat magbitiw si NFA Administrator Jason Aquino upang hindi na maulit na mapunta ang imported rice sa mga negosyante at ibenta ito sa mas mataas na presyo.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *