Maraming Pinoy, ‘di alam ang Federal Government System

National News

Maraming Pinoy adults ang walang alam sa federal government system kung pagbabatayan ang survey ng Social Weather Station (SWS).

Sa survey ng SWS, nitong March 23 hanggang 27 ngayong taon, lumalabas na 1 sa 4 o 25% sa mga Filipino adults ang walang alam tungkol sa Federal System.

Ayon sa SWS, 75 porsyento sa 1,200 na mga tinanong ang nalaman na lang ang Federal System nang magsagawa sila ng mismong survey.

Sa kabuoang bilang ng mga tinanong nasa 37% naman ang sumang-ayon na ipatupad sa bansa ang Federal System.

Resulta ng SWS survey kung pabor ba ang mga Filipino sa federal government system sa bansa

*1, 200 respondents

*isinagawa: March 23-27, 2018

1 out of 4 Filipino – walang alam sa federal system

37% – pabor

29% – hindi pabor

Ang Federal Form of Government ang isinusulong ngayon ng Duterte Administration sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *