TUCP

TUCP, umalma sa subsidiyang ₱200 para sa mga manggagawa

National News

Umalma ang pamunuan ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).

Ito ay dahil sa subsidiyang P200 ng pamahalaan sa ilalim ng kautusan ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon sa grupo, hindi kayang matustusan ng naturang subsidiya, ang pang araw-araw na pangangailangan ng mga manggagawa.

Bukod pa ito sa kinukubra nilang sahod sa mga kompanyang kanilang pinagtatrabahuhan.

P200, masyadong maliit-TUCP

Ayon kay Luis Manuel Corral ng TUCP, masyadong maliit ito dahil sa nagtataasang presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa

Ani Corral, nakapagtataka na nag-iba ang plano ng DOLE matapos nitong tanggapin ang kanilang proposisyon sa dagdag na subsidiya sa mga manggagawa na P500 ngunit lumabas na P200 lang pala ang kaya nitong ibigay.

Nanawagan ang grupo na isuspinde muna ang second tranche ng TRAIN Law dahil sa kalupitan aniya nito sa mga maliliit na manggagawa at ang posibilidad na maglayasan ang mga foreign investors.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *