Celine Dion

Unrecognizable makeover ni Celine Dion, ikinagulat ng kanyang fans

Showbiz

Hindi agad nakilala ng mga fans si Celine Dion ang kanyang larawan na ipinost recently sa Instagram.

Makikita sa post na ito ng 50 anyos na Canadian singer na mula kakaibang fashion statement.

May suot si Celine na isang JW Anderson dress, Gucci scarf, Dior sunglasses at Saint Laurent shoes habang bitbit ang kanyang Hermes bag at bagong blonde hairdo with fringe.

Agad nagkagulo ang fans ni Celine sa kaniyang post at tinanong siya kung siya daw ba si Celine o si Lady Gaga?

Celine Dion, “Worst Dressed”

Isa si Celine sa mga madalas na mabansagan bilang ‘Worst Dressed.’

Ito ay mula nang suotin niya ang “backwards tuxedo” sa 1999 Oscars.

Ayon sa kanya, “I’ve always loved fashion, from as far back as I can remember.

But as everyone knows, I’ve gone through some extremely difficult times in recent years;

And I suppose that I’m spreading my wings a little bit more these days;

And doing so with the help of beautiful clothing and accessories.”

Dagdag pa ni Celine, fashion ang nagdadala ng kasiyahan sa kanyang buhay matapos pumanaw ang kaniyang manager at asawang si Rene Angelil noong 2016 at kasunod nito ang pagpanaw din ng kaniyang kapatid na lalaki.

Nakatakdang magconcert si Celine sa Australia sa susunod na buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *