richmond nilo

Pangunahing suspek sa pagpatay kay Fr. Richmond Nilo, hawak na ng PNP

Regional

Nasa kamay na ngayon ng mga otoridad ang primary suspect sa pagpatay kay Fr. Richmond Nilo na binaril noong Hunyo-10 sa bayan ng Zaragoza Nueva Ecija.

Personal na umamin sa krimen ang suspek na si Omar Mallari na nahuli sa Arayat Pampanga noong June 22.

Si Mallari ay may standing warrant of arrest sa kasong robbery with homicide.

Kung kaya mabilis itong naugnay sa kaso ng pagpatay sa pari.

Ginamit na pyshical evidence ng PNP ang mga nakitang parte ng get-away vehicle na ginamit ng mga suspek pagkatapos ng krimen.

Iprinisinta naman ng PNP ang matrix sa lahat ng mga sangkot sa krimen.

May personal na galit sa Pari

Binayaran ang suspek ng P100, 000 ng isang nagngangalang Manuel Torres na may personal na galit sa pari.

Hawak narin ngayon ng PNP si Torres kasama ng dalawa pang ibang suspek sa pagpatay sa pari.

Bagamat nasakote na ang suspek, ay hindi parin maituturing ng PNP na sarado na ang kaso at iginiit na patuloy nilang iimbestigahan ang kaso.

 

Ulat ni: Mj Mondejar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *