tanauan city

Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili, patay sa pamamaril

Regional

Patay matapos barilin ng isang hindi pa nakikilalang lalake si Tanauan City, Batangas Mayor Antonio C. Halili habang ito ay dumadalo sa isinagawang flag raising sa New City Hall, Brgy. Natatas, Tanauan City kaninang alas 8:10 ng umaga.

Task Force, binuo ng PNP Tanauan City

Bumuo na ng Special Investigation Task Group  (SITG) ang Philippine National Police (PNP) para imbestigahan ang pagkamatay ni Mayor Antonio Halili.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, ang SITG ay isasagawa sa regional level na pangangasiwaan ng Deputy Regional Director for Operations.

Samantala, ang “Walk of Shame” ang isa sa mga tinitignang dahilan ng PNP kung bakit pinatay ang alkalde.

Hindi pa makumpirma ng PNP chief kung anong uri ng baril ang ginamit ng gunman para itumba ang alkalde.

Pag-iimbestiga sa pagpatay kay Mayor Halili, ipauubaya muna sa kapulisan

Hindi muna manghihimasok ang Department of Justice (DOJ) sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa pagpatay kay Tanauan City Mayor Antonio Halili

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, dapat munang ipaubaya sa kapulisan ang pagsasagawa ng imbestigasyon.

Nangako si Guevarra na magbibigay ng karagdagang pwersa sa imbestigasyon.

Agad niyang aatasan ang National Bureau of Investigation (NBI) para magsagawa ng parallel investigation.

Magugunitang si Mayor Halili ang nanguna sa shame campaign na pinaparada sa plaza ang mga nahuhuli nilang mga snatcher, users, pushers, at iba pang mga criminal habang may karatula sa dibdib  na may nakasulat na “Huwag Akong Tularan, Ako ay Kriminal”.

 

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *