local officials

Sunod-sunod na pagpatay sa mga local officials, patunay ng pagkakaroon ng “State of Impunity”

Regional

Sunod-sunod na pamamaslang sa mga local officials.

Ay patunay ng pagkakaroon ng state of impunity at paglobo ng karahasan sa bansa.

Ito ay ayon kay Magdalo Party List Representative Gary Alejano.

Ani Alejano “Ang magkasunod na pagpaslang kay Mayor Halili ng Tanauan Batangas at kay Mayor Ferdinand Bote ng General Tinio, Nueva Ecija ay lubhang nakakaalarma.

Giit pa ni Alejano, napakalakas ng loob ng mga salarin para gawin ang pamamaslang sa magkakasunod na araw.

Nabibigyan ng lisensya ang sinuman na basta na lamang pumatay

Dagdag din ng mambabatas na sa kasalukuyang administrasyon ay tila nabibigyan ng lisensya ang sinuman na basta na lamang pumatay.

At tila ay walang takot na managot sa batas.

Sa kabila nito ay nanawagan si Alejano sa mga otoridad na bigyan ng hustisya sa lalong madaling panahon ang pagkamatay ng dalawang alkalde.

Lubos naman ang pakikiramay nito sa pamilya ng mga nasawi.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *