Australia

Basketball Australia, hindi aapela sa FIBA sanction

Sports

Matapos ang naging rambol sa pagitan ng Australia Boomers at Gilas Pilipinas noong July 2 para sa World Cup Asian Qualifier, nasuspinde ang ilang players ng parehong koponan.

Una ng naglabas ng pahayag ang Team Philippines na aapela sila. Taliwas naman ito sa naging anunsyo ng Basketball Australia na walang balak magpasa ng appeal.

Kabilang sa mga napatawan ng game suspension sa Boomers ay sina Chris Goulding na may 1 game suspension.

Si Thon Makers na may 3 game suspension at Daniel Kickert na may 5 game suspension.

Pinagbabayad rin ang Basketball Australia ng fine na 100,000 Swiss francs para sa unsportsmanlike behavior na kanilang pinakita.

Pahayag naman ni Chief Executive Anthony Moore na handa nilang sundin ang sanctions ng FIBA.

“Our legal advice examined a range of appeal options. However, the chances of success under the FIBA appeal process are very low,” ayon kay Chief Executive Anthony Moore

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *