Agawan

Agawan sa Minority post sa Kamara, tatapusin ngayong araw

Metro News

Aaksyunan ngayong araw ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang lumalalang isyu ng agawan sa pwesto bilang minority group (Minority post).

Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya, kailangan ng maresolba ang isyu para hindi maapektuhan ang mga priority agenda sa Kamara.

Ayon kay Andaya, gagawa na sila ng hakbang sa plenaryo sa agawan sa minority kung hindi parin magkasundo ang panig nina incumbent Minority Leader Danilo Suarez, former Majority Leader Rudy Fariñas at Liberal Party Rep. Miro Quimbo.

Ani andaya, bibigyan nila ng sapat na panahon ang tatlong panig na pagdebatehan sa plenaryo ang minority post.

Kung hindi anya maresolba nila ang bangayan,  maaaring maapektuhan ang mga isinusulong na mga panukala gaya ng pederalismo at ang paghimay sa 2019 proposed National Budget na kakain ng maraming buwan sa pagtalakay.

Korte Suprema, walang hurisdiksyon sa Minority post

Samantala, iginiit ni Andaya na walang hurisdiksyon ang Korte Suprema sa mga procedural matters ng Mababang Kapulungan.

Iginiit nito ang precedent sa naging kaso noon nina Congressman Fariñas at Ifugao Representative Teddy Baguilat na napagdesisyunan ng Korte Suprema.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *