Administration

Death Penalty, mananatiling prayoridad ng Duterte Administration

National News

Patuloy na isusulong ng Duterte Administration ang panukalang pagbabalik nang death penalty sa Pilipinas.

Ito ay sakabila ng naging pahayag ni Pope Francis na ang death penalty ay hindi katanggap-tanggap at hindi  makataong gawain.

Ayon kay Presidential Spokesperon Harry Roque, hindi babawiin ng administration ang kanilang paninindigan  na ang death penalty ang pinakamainam na kaparusahan para sa mga pangunahin at seryosong krimen sa bansa.

Subalit ayon kay Roque nasa senado ang pinal na desisyon kung muling bubuhayin ang death penalty bilang capital punishment.

Matatandaan na nagkaroon nang death penalty noong 1970 kung saan nasa ilalim nang Martial Law ang buong Pilipinas.

Na-abolish naman ito noong 1987.

Taong 1993 nang mabuhay muli ang parusang kamatayan.

At sa administrasyon ni noo’y Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2006 ng tuluyang ibinasura ang parusang kamatayan.

Taong 2017 naman nang ipasa ng Kamara ang panukalang buhayin ang death penalty sa bansa.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *