Generoso

Generoso: Walang opisyal na tagapagsalita sa Pederalismo

National News

Nilinaw ni Consultative Committee (Con-Com) Spokesman Ding Generoso na walang opisyal na tagapagsalita para sa Pederalismo.

Binigyang-diin ni Generoso na walang naging diskusyon na si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Margaux “Mocha” Uson ang magiging spokesperson ng Federalism.

Ito aniya ay dahil si Uson ay bahagi lamang ng PCOO na tumutulong na i-promote ang Pederalismo.

Ipinaliwanag rin ni Generoso na hindi kasama sa kanilang plano ang video campaign ni Uson sa Pederalismo na kumalat sa social media at umani ng mga batikos.

Hindi aniya ganito ang napag-usapan dahil tinalakay nila ang mga materyales na gagamitin para sa pagpapaliwanag sa Pederalismo sa mga Pinoy, lalo na sa mga probinsya.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *