tensyon

Mga OFW sa Afghanistan, pinag-iingat dahil sa tensyon

International News

Cherry Light

Pinapayuhan ng Department of Foreign Affairs ang mga Pilipino sa  Afghanistan ang ibayong pag-iingat dahil sa patuloy na lumalalang tensyon sa bansa.

“We ask our kababayan who are still in Afghanistan to exercise extreme caution and to avoid any movement outside of their work places,” ayon kay Secretary Cayetano.

Ang abiso ay ginawa ng ahensya kasunod ng pag-atake ng dalawang suicide bomb sa mosque na pumatay ng tatlumpung katao kabilang na ang mga bata.

Nagpalabas agad ng abiso ang Philippine Embassy ng Islamabad para sa isang libo at limang daang Pilipino ang nagtatrabaho pa sa military bases ng Kabul at sa iba pang lugar sa Afghanistan na doblehin ang pag-iingat.

Pinaalalahanan rin ng embahada  ang publiko na nanatili pa sa  travel at deployment ban ang  Afghanistan kung saan mahigpit na ipinapayo ang pagbibiyahe patungo sa bansa.

Hinikayat ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang mga Pilipino sa Afghanistan na handang tumulong ang embahada para sa kanilang agarang repatriation.

Sa talaan ng Non-Government Civilian Protection Advocacy Group sa Kabul, nitong buwan ng Hulyo ay nasa 232 na ang  namatay at 313 naman ang mga nasugatan na civillian dulot ng nagpapatuloy na gyera sa naturang bansa.

Sa ulat   ng  United Nations Assistance Mission sa  Afghanistan (UNAMA) nasa  5,122 ang biktima na sibilyan kabilang na dito ang 1,692 na mga namatay at 3,430 mga nasugatan sa unang kalahating taon ng 2018.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *