National

National ID System, isa nang ganap na batas

National News

Ganap ng batas ang Philippine Identification Act (National ID System).

Ito ay matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang National ID System.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa pamamagitan ng pagsasabatas ng panukala ay umaasa silang mapagbubuti ang transparency at mapabilis ang serbisyo publiko.

Sinabi ni Roque na milyun-milyong Pinoy ang makikinabang sa paglagda ng Philippine Identification System Act.

Ito aniya ay dahil hindi na nila kailangan pang magpresenta ng iba’t ibang identification cards para patunayan ang kanilang pagkakakilanlan at maiiwasan din ang identity theft o fraud.

Binatikos ng Bayan Muna

Nangangamba si Bayan Muna Representative Carlos Zarate sa pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Identification Act.

Duda si Zarate na matulad ang National ID sa TRAIN Law na umano’y makakasama sa mga mamamayan.

Ayon kay Zarate, ang National ID Sytem ay aabusuhin din at gagamitin laban sa mamamayan dahil sa privacy issues nito.

Kinuwestyon din ni Zarate ang garantiyang maibibigay ng batas na hindi magiging biktima ng data breach ang Philippine ID System gaya ng nangyari sa “com-leaks” incident.

Kaduda-duda din aniya ang deal sa pagitan ng Philippine Statistics Authority at ng US based firm na “Unisys” na siyang gagawa ng database na maglalaman ng lahat ng impormasyon ng mga National ID holders.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *