pinasususpinde

Pag-rollback ng excise tax sa mga oil products sa TRAIN Law, pinasususpinde

National News

Pinasususpinde ni Senador Bam Aquino sa pamahalaan ang pag-rollback ng excise tax sa produktong petrolyo sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ito ang tugon ni Aquino sa planong patawan ng mas mababang taripa ang isda at karne para mapababa ang inflation.

Ayon kay Aquino, maaaring ipatupad ang paglalagay ng mas mababang taripa sa isda at karne ng walang nasasagasaang magsasaka at mangingisda.

Kaugnay nito, hinimok ng senador ang mga kapwa mambabatas na dapat nang ipasa ng kongreso ang kanyang Senate Bill 1798 o ang “Bawas Presyo Bill”.

Layon ng panukala na suspendehin at i-rollback ang excise tax sa produktong petrolyo sa ilalim ng TRAIN Law.

Kapag ang average inflation rate ay lumampas sa taunang inflation target sa loob ng tatlong buwan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *