Radyoke Shining Star Campus Edition 2018

Radyoke Shining Star Campus Edition 2018, umarangkada sa Tuguegarao

Regional

HALOS walang maitulak kabigin sa angking galing ng mga kalahok sa pagtatapos ng Radyoke Shining Star Campus Edition 2018 sa Lungsod ng Tuguegarao.

Dahil dito, napuno ng mga tagapanuod ang SM Center ng Tuguegaro City.

Para tunghayan ang tagisan ng galing sa pag-awit ng mga Radyoke Shining Star contenders

Mula sa kids category hanggang sa open category, kaniya-kaniyang sigaw ng pagsuporta ang ipinaabot ng kanilang mga pamilya.

Maging ng mga kaibigan at kakilala habang masaya nilang napapanuod ang kanilang mga pambato

Walang mapagsidlan ng tuwa si Xaviery Amiel Bannatao ng kids category ng marinig nito ang kaniyang kanta sa Official Announcement of Winner.

Tinanghal si Bannatao bilang kampeon sa awiting “Ikaw” ni Yeng Constantino.

Unang salang palang nito sa kaniyang awiting “Faithfully” agad na tinilian ng mga manunuod si Xaviery.

Dahil sa kabila ng pagiging maliit nito pero taglay nito ang malaking boses at magandang stage presence.

Iba naman ang kwento ni Maryan Kyle Singayan, ang grand champion ng Radyoke Shining Star Campus Edition Open category.

Ayon sa kaniyang mga magulang, madaming beses nang sumasali sa kompetitisyon ang kaniyang anak ngunit hindi pa ito nakaranas ng panalo.

Para naman kay Maryan, isa sa mga bagay na natutunan niya sa buhay ang huwag sumuko sa pangarap hanggang sa maabot ito.

Layunin ng Radyoke Shining Star Campus Edition 2018 na maghubog ng mga talento mula sa ibat-ibang panig ng bansa.

Partikular na sa larangan ng pag awit.

Ito ay sa pangunguna ng Sonshine Media Network International at Sonshine Radio.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *