Tuguegarao City

Ilang pasilidad Tuguegarao City Airport, bahagyang nasira

Regional

BAHAGYANG nasira ang ilang pasilidad ng Tuguegarao City Airport.

Ayon ito kay Department of Transportation (DOTR) Secretary Arthur Tugade.

Kabilang sa mga napinsala ang tanggapan ng CAAP, baggage carousel at ang x-ray machine ng paliparan.

Nilinaw ni Tugade na hindi kasama sa napinsala ang runway ng Tuguegarao City Airport.

Tiniyak ni Tugade na agad nilang aayusin ang nasirang x-ray machine o kaya ay posibleng palitan ng bago.

Pero ayon sa kalihim, posibleng manu-mano muna ang pag-inspeksyon sa mga susunod na araw.

Inaasahang maibabalik sa normal ang operasyon sa paliparan sa darating na araw ng Martes.

Samantala, naibalik na sa normal ang operasyon sa mga paliparan sa Laoag at Isabela.

Ayon kay Tugade, walang naidulot na pinsala ang bagyo sa naturang mga paliparan.

Samantala, inihayag din ni Tugade na lubha din napinsala ang Loakan Airport sa Baguio City.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *