Pagbangon ng Marawi, posibleng simulan sa Hulyo

National News

Pagbangon ng Marawi, maisasagawa na ang ground breaking ceremony para sa sisimulang pagbangon ng lungsod na Marawi na posibleng maganap sa unang linggo ng Hulyo.

Pero ayon kay Task Force Bangon Marawi head Eduardo del Rosario na nananatiling nasa unang quarter ng 2021 ang target date para makumpleto ang master plan sa rehabilitasyon ng lungsod.

Kasama sa target na matapos ang mga pangunahing proyekto sa pagbangon ng Marawi ang pagpapatayo ng convention center, port facilities, central transport terminal, heroes monument, peace memorial park at tertiary hospital.

Samantala, ipinagpaliban sa araw ng Martes ang nakatakdang Swiss Challenge.

Paliwanag ni del Rosario, ayaw nilang madaliin ito para makatiyak na hindi makokompromiso ang kalidad ng mga itatayong proyekto na nasa tamang presyo din.

Nakatutok ngayon ang Task Force Bangon Marawi sa misyon nitong revive, restore at rebuild ng lugar na pinadapa ng kaguluhan dulot ng mga terorista.

 

Ulat Ni: Hannah Jane Sancho  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *