Sister Patricia Fox

Sister Patricia Fox, mananatili parin sa Pinas

National News

Mananatili pa rin sa bansa ang Australian Missionary na si Sister Patricia Fox.

Kasunod ito ng pagbaligtad ng  Department of Justice (DOJ) sa desisyon ng Bureau of Immigration (BI) na kanselahin ang missionary visa ni Fox at inatasang umalis ng bansa sa loob ng tatlumpung araw.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, walang ligal na basehan ang kanselasyon sa visa ni Fox.

Una nang kinansela ng immigration ang missionary visa ni Fox dahil umano sa pagsama sa partisan political activities.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *