pia wurtzbach

Pia Wurtzbach, hindi pa handang mag-settle down

Showbiz

Wala pang plano na mag-settle down o magpakasal sina 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach at longtime boyfriend na si Marlon Stockinger.

Ayon kay Pia, hindi pa nila ito na iisip sa ngayon dahil marami pa aniya silang nais gawin at makamit sa buhay ni Stockinger.

Sumang-ayon naman kay Pia si Stockinger at sinabing madami pa silang gustong i-achieve personally sa kanilang mga career.

Kasabay nito, nilinaw naman ni Stockinger na ‘wife-material’ si Pia at masaya ito sa istado ng kanilang relasyon.

Ayon kay Pia, “Not in the near future, No. We’re not there yet. I still feel like we want to achieve a lot individually. Marami pa kaming plano individually. Marami pa kaming gustong ma-achieve, ako sa career ko and siya sa racing career niya.”

Inamin ng dalawa na katulad ng relasyon ng ibang showbiz personality ay dumaan din sila sa mga kontrobersiya.

Gayunpaman, dahil sa suporta sa isa’t isa at pagpapakumbaba kaya naging mas matatag ang kanilang relasyon.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *