bir

3 tauhan ng BIR, arestado

Metro News

Arestado ang tatlong tauhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa isinagawang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) at Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa Makati.

Kinilala ang mga ito na sina Arturo Buniol, Gary Anastacio at Edgardo Javier, pawang mga nakatala bilang special investigators sa BIR-regional investigation division.

Ayon sa mga otoridad, tinangka ng tatlo na mangikil ng nasa animnaraang libong piso (P 600, 000) mula sa restaurant na may utang na buwis sa ahensya.

Sinampahan na ang mga ito ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa tanggapan ng Ombudsman.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *