ABAYA

Ex-DOTR Sec. Abaya, dismayado sa desisyon ng Ombudsman

National News

Dismayado ang kampo ni dating Transportation Sec. Joseph Emilio “Jun” Abaya sa naging desisyon ng Ombudsman na kasuhan ito kaugnay sa maanomalyang P4.2-B kontrata ng MRT-3.

Ayon sa pahayag ni Atty. Enricka Gonzalez, tagapagsalita ni Abaya, ikinadismaya nila ang desisyon ng Ombudsman dahil nailahad naman ng dating DOTr chief ng malinaw ang kanyang panig tungkol sa kaso na anila’y walang basehan.

“We find this decision unfortunate, considering that Sec. Jun clearly laid out his defense against the poorly-crafted and unsubstantiated complaint filed by the DOTR.”

Ikukonsulta ni Abaya sa kanyang legal counsel ang kanilang susunod na hakbang hinggil sa naging desisyon ng Ombudsman.

“Secretary Abaya will consult with his lawyers once they receive an official copy of the decision about his next course of action.”

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *