commander

Transaksyon ng isang PCG Commander may iregularidad

National News

May iregularidad sa liquidation ng walong daang libong (P800, 000) cash advances ng isang commander ng Philippine Coast Guard (PCG).

Tinukoy ng Commission on Audit (COA) ang 96.6 percent na cash advances ng mga opisyal at kawani ng PCG ay nananatili hanggang noong katapusan ng 2017.

Batay sa kanilang 2017 annual audit report, sinabi ng state audit agency na itinanggi ng labing isang (11) suppliers ang isandaang resibo at invoices na ginamit ni Rear Admiral Leopoldo Laroya para ma-liquidate ang mahigit P818, 000  cash advances noong april 2017.

Dagdag ng COA, hindi tama at may mga discrepancy ang mga iprinesentang resibo ni Laroya.

Si Laroya, pinuno ng PCG Maritime Security and Law Enforcement Command na prinomote lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Enero ay dating kumander ng Coast Guard District NCR-Central Luzon.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *