pekeng produkto

P11.8-M halaga ng mga pekeng produkto, sinira

Metro News

Manu-manong winasak ang mga pekeng produkto o counterfeit na nasabat ng National Committee on Intelectual Property Rights.

Iginiit ng mga otoridad na bawal na bawal na ang pagbebenta ng mga ganitong produkto sa bansa.

Pekeng produkto, siniguradong hindi mapapakinabangan

Nagkakahalaga ng P11.4-M na mga pekeng produkto ang nasabat na kontrabando.

Ito ay mga designer bags, branded na apparel, vitamins, shampoo, sabon at mga household products.

Sa datos ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL), ang mga winasak na produkto ay bahagi ng P6.7-B ng kabuuang halaga ng mga nasabat na kontrabando sa unang limang buwan ng 2018.

Mas mataas ito sa P909-M na nasabat sa kaparehong panahon noong 2017.

Sa buong taon ng 2017, nasa P8.2-B ang mga nahuling mga fake products.

Mas mataas kung ihahambing sa malaking bilang ng mga nahuli sa unang kwarter pa lamang ng taong ito.

Tiniyak ng IPOPHL na patuloy ang ugnayan nila sa mga pangunahing ahensya ng gobyerno gaya ng Bureau of Customs (BOC), Department of Justice (DOJ), Department of Interior and Local Government (DILG), National Telecommunications Commission (NTC), National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) para paigtingin ang kampanya sa mga fake products.

 

Ulat Ni: MJ Mondejar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *