lebron james

Lebron James, lumipat sa LA Lakers

Sports

Tinuldukan na ni 4-time MVP Lebron James ang espekulasyon na lilipat ito ng Los Angeles Lakers.

Ito ay matapos na tanggapin ni Lebron ang alok ng Lakers na 4 year contract na may $154-M deal .

Inanunsyo naman ng Klutch sports group ang paglipat ng 33 anyos na si James sa Lakers isang araw bago ito mapunta sa free agent.

Magugunitang una ng kumalat sa social media ang paglipat ni Lebron sa naturang koponan.

Ikatlong team ni Lebron

Ang Lakers ang ikatlong team ng power forward na si James simula ng una itong mapabilang sa NBA noong 2003 sa ilalim ng Cleveland Cavaliers.

Kabilang sa naging team ni Lebron ang Miami Heat kung saan nito unang nakamit ang kampeonato noong 2012.

Samantala, inaasahan naman palalakasin ni Lebron ang Lakers na limang taon ng sunod-sunod na hindi nakatikim ng Playoffs.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *