bali indonesia

Bulkan sa Bali Indonesia, sumabog

International News

Bumuga ng lava at abo na umabot sa ilang kilometro ang taas ng Bulkang Agung sa Bali Indonesia matapos itong sumabog Lunes ng gabi, July 2.

Ang naturang bulkan ay noong isang taon pa nag-aalburuto at nitong nagdaang Biyernes, June 29 ay temporaryong sinara ang international airport ng isla, na nagdulot ng pagka-stranded ng mga turista.

Ayon sa National Disaster Mitigation Agency ng Indonesia, nakarinig ng malakas na pagsabog ang mga residente.

Nag-aalab na mga volcanic rocks

Nakita ang nag-aalab na mga volcanic rocks na tumitilapon mula sa bunganga ng bulkan.

Naitalang tumagal ang eruption ng 7 minuto.

Boluntaryo namang lumikas ang ilang mga residente kasunod ng pangyayari.

Wala namang naiulat na nasaktan o namatay sa pagsabog ng bulkan.

Taong 1963 nang maganap ang malakas at mapaminsalang pagsabog ng Bulkang Agung kung saan mahigit isang libo katao ang nasawi.

 

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *