midas marquez

Midas Marquez, kinasuhan ng katiwalian sa Ombudsman

National News

Court Administrator Jose Midas Marquez, sinampahan ng kasong katiwalian ng isang grupo ng kabataan.

Ito’y dahil sa  iligal na paggamit ng $21.9–M na halaga ng loans na natanggap ng Supreme Court noong 2003.

Kinasuhan ng founder ng Unified Youth for Social Change na si Rizza Joy Laurea si Marquez  Office of the Ombudsman.

Ito ang paglabag sa Section 3 ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Hindi naman ito nakaligtas sa section 7 ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Iregularidad at kwestunableng disbursements ng pondo

Ayon kay Laurea, may mga nadiskubreng iregularidad at kwestunableng disbursements ng pondo ang world bank sa ilalim ng pamunuan ni yumaong Chief Justice Renato Corona kung saan dalawang posisyon pa ang hawak ni Marquez sa Korte Suprema.

Ilan aniya sa mga transaksyong ito ay ang goodwill games, payments sa mga conference sa Amerika at Indonesia, hotel accommodations, restaurant bills, airfare at pagbili ng 6.3 million pesos na halaga ng computer equipments.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *