fiba

Rambol ng Gilas Pilipinas at Australia, iimbestigahan ng FIBA

Sports

Naglabas ng isang Twitter post ang world governing body ng basketball, FIBA.

Ito ay ang kanilang gagawing imbestigasyon sa Gilas Pilipinas at Australia kasunod ng rambol ng dalawang koponan Lunes ng gabi sa Philippine Arena.

Sa pahayag ng FIBA, inaasahang maglalabas sila ng desisyon kung anong mangyayari sa mga players na bahagi kaguluhan.

13 players ang na-reject sa laro dahil sa insidente.

9 dito ay mula sa Gilas na  kinabibilangan nina:

  • Terrence Romeo
  •  Jayson Castro
  •  Calvin Abueva
  •  Andray Blatche
  •  Roger Pogoy
  • Troy Rosario
  • Japeth Aguilar
  • Carl Bryan Cruz
  • Matthew Wright

Australia Chief Executive Officer Anthony Moore, dismayado

Labis na ikinadismaya ni basketball Australia Chief Executive Officer Anthony Moore ang pangyayari.

We are extremely disappointed with what happened and our role in it.”

“This is not the spirit in which sport should be played and certainly not in the spirit in which we aim to play basketball.”

– Anthony Moore, CEO, Basketball Australia.

Gilas players, dumepensa

Samantala, dumepensa naman ang ilang Gilas players sa kanilang ginawa kasunod ng mga puna na nagsasabing nakakahiya ang ginawa ng Gilas.

Ayon kay Gilas Guard Terrence Romeo, tinulungan lang nila ang kanilang ka-teammate na nasaktan.

Igniit din nito na  naglalaro sila para sa isa’t isa, para sa Pilipino, higit sa lahat para sa bayan.

Humingi naman ng paumanhin si Jayson Castro sa pangyayari sabay giit na ginawa lang nila ang kanilang part bilang magka-teammate.

Idinaan naman ni Gilas naturalized player Andray Blatche sa tanong, ang pangyayari, kung ano ang gagawin kung makikita ang ka-teammate mo na sinadyang tamaan sa likod ng ulo?

Nagsimula ang kaguluhan sa laban ng dalawang team, nang sikuhin ni Daniel Kickert ng Australia ang ulo ni RR Pogoy ng Gilas.

Nanalo ang Australia sa pamamagitan ng default win sa iskor na 89-53.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *